Teddy Casino’s wishful thinking: Kung ako si Duterte

36
3290
Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+0Email this to someone

FORMER Bayan Muna Congressman  narrates his harrowing experience at the airport in Kalibo, Aklan because of a 16-hour delayed flight Tuesday.

On Twitter, he said Air Asia refused to provide the passengers with water or food. There was also no hotel accommodation offer.

He said: “When runway closes and airlines cancel or delay flights, are they free from providing snacks or hotels for cancelled flights?”

Tired, sleepy, and impatient, Casino imagined himself being Mayor Rodrigo Duterte in the face of hundreds of disgruntled stranded passengers.

He wrote this blog:

KAHAPON pa ako dapat nakauwi sa Maynila.

Alas siete ‘y media ng gabi ang biyahe ko sa Air Asia galing Kalibo, Aklan. Maaga ako airport. Dalawang oras bago ang departure, nandun na ako. At para sigurado, nag online check-in pa ako. Naka-iskedyul ang boarding ng 6:50 ng gabi.

“May delay ba?” nakangiti kong tanong sa ground staff ng Air Asia. “Wala naman pong advice,” sabi niya, nakangiti rin.

Lumampas ang 6:50. Di pa kami pinasakay.

Pagdating ng 7:30, tinanong ko sa boarding gate bakit nandun pa kami. Pinabalik daw yung eroplano sa Maynila dahil may butas yung runway sa Kalibo. Ganun din daw ang nangyari nung isang araw, inayos yung butas pero mukhang natuklap yung tapal. Made-delay daw kami ng 3-4 oras.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Putang ina, delayed nanaman ang flight.”

Pero hindi ako si Duterte.

Pagdating nang 8:50, tinanong ko sa boarding gate kung pakakainin nila kami. Oo, parating na raw ang in-order nilang pagkain nang 9:00.

Matapos ang isang oras, wala pa ring pagkain. Aligaga na ang mga pasahero. Magiging anim na oras na daw yung delay. Pero sabi ng Air Asia, hindi nila sasagutin ang hotel accommodation ng mga na-stranded dahil hindi nila kasalanan na nabutas ang runway.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Eh mga gago pala kayo! Sa Passengers’ Bill of Rights hindi naman sinasabing dapat kasalanan ninyo. Basta obligado kayong mag-provide ng hotel accomodation sa mga stranded. Bahala kayong singilin yang mga inutil na gumawa ng runway!”

Pero hindi ako si Duterte. Kaya nagpasya akong umuwi muna sa bahay ng nanay ko at bumalik na lang para sa 1:30 a.m. flight.

Nagtanong ako sa staff ng Air Asia kung may number ba silang pwedeng tawagan para mag-check kung matutuloy ang flight.

“Wala po. Bawal ho kaming magbigay ng number, Bumalik na lang kayo dito ng ala-una,” ang sabi.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Eh putang ina mo pala, ibig sabihin pababalikin mo pa ako dito ng ala una ng umaga para lang i-check kung tuloy ang biyahe? Eh may telepono naman kayong lahat. May landline din ang airport. Hindi ba kayo nag-iisip?”

Pero hindi ako si Duterte. Kaya nakiusap ako at nag-iwan ng number. Sabi nung isa ite- text daw niya ako kung anong balita

Matapos ang tatlong oras, wala namang nag-text, bumalik ako sa airport ala una ng umaga.

“Tuloy ba ang flight?” tanong ko sa check-in counter.

“Ay sir, hindi pa ho tapos yung repair. Hindi po tuloy yung 1:30 a.m. flight. Mamaya na hong 7 a.m. ang next,” sabi nila.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Putang ina, ‘yan na nga ang sinasabi ko. Eh kung binigyan nyo ako ng number nalaman ko sana at hindi na ako nagsayang ng oras para bumalik dito.”

Pero hindi ako si Duterte.

“Sigurado na ba yung 7:30 a.m. flight?” tanong ko.

“Hindi rin po. Balik na lang ho kayo ng alas singko para i-check.

“Teka,” sabi ko, “wala ba talaga kayong telepono na pwedeng tawagan para hindi naman kami pabalik-balik?”

“Sir bawal ho kaming magbigay ng number,” sabi ulit niya. “Kasi ho, 300 na ho ang pasaherong inaasikaso namin kaya hindi na namin kayang kumarga ng extra task tulad ng pag-abiso sa ibang pasahero,” dagdag pa nung ale.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Gago, kasama ako sa 300 pasahero ninyong stranded.”

Pero hindi ako si Duterte.

“Eh yung mga taga airport, siguro naman may telepono sila. Yung tao ng CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines), hindi ba sila pwedeng tawagan ng pasahero para man lang i-tsek yung status ng flights?” tanong ko.

“Sir hindi ho namin alam sa CAAP. Mamaya pa hong alas siyete ang pasok ng mga yun,” ang sagot.

Kung ako si Duterte, sasabihin ko sanang, “Putang ina ninyo, pag laglag bala ang sisipag ninyong mga taga airport. Pero pag problema ng pasahero wala kayong silbi. Sinong gago ba ang may hawak ng airport dito? Ibabaon ko sa butas ng runway.”

Pero hindi ako si Duterte.

Kaya nag-rebook na lang ako para sa 11:30 a.m. flight. Ayaw ko nang bumalik nang alas singko ng umaga para sa flight na hindi naman sigurado. Yung 11:30 a.m. garantisado daw na makakalipad. At saka gusto ko na talagang matulog.

Matapos kong mag-rebook, nagulat ako nang ibinalik nila yung bag at karton kong bagahe.

“Sir, balik na lang ho kayo ng 9:30 a.m. para mag check-in.”

“Huh? Bakit? Hindi pa ba ako naka-check in?” tanong ko.

“Sir, ni-rebook lang namin kayo. Kailangan n’yo uling mag check-in mamaya.”

“Eh di i-check in mo na ako ngayon. Nandito na ako, eto bagahe ko,” sabi ko.

“Sir, hindi ho pwede. Wala hong magbabantay ng mga bag ninyo dito. Kailangan n’yo po uling mag- check-in mamaya, two hours before the flight.”

Teka nga.

Delayed flight ko ng 16 oras. Hindi n’yo ako pinakain. Hindi n’yo ako dinala sa hotel. Wala man lang kayong pampalubag loob. Na-pwersa pa akong bumalik ng ala-una ng umaga para lang sabihan na wala pa ring flight. Tapos ngayon ipapa-check out n’yo yung bagahe kong naka check-in na para lang i-check-in uli mamaya? At dapat two hours before nandito na ako para sumakay sa eroplanong hindi ko dapat sasakyan kung ginawa lang ninyo ng matino ang mga trabaho ninyo?!

Sa halip na nasa bahay na ako sa Maynila, tulog na mahimbing katabi ng asawa ko, naghahanda para sa pag-attend ng first confession ng anak ko sa school mamayang umaga, nandito pa rin ako sa airport, pagod, puyat, namamaho at nanggagalaiti sa kapalpakan, pagkamanhid at kainutilan ninyong mga airlines at airport authorities!

Pero swerte pa rin ako dahil may bahay kami sa Kalibo. Karamihan sa mga pasahero mga turista galing Boracay na ubos na ang pera at walang magawa kundi magtiis sa airport, natutulog sa malamig na bangko, sa monobloc o sa sementong sahig. Pinaka kawawa yung may mga connecting flight.

Kaya kung ako si Duterte, sasabihin ko talaga sa mga taga Air Asia at CAAP: “MGA PUUUUUTANG INA NINYONG HINAYUPAK KAYO! PAPAPATAYIN KO KAYONG LAHAT!”

Pero hindi ako si Duterte.

Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+0Email this to someone

36 COMMENTS

  1. So whats the sense, bakit mo dinamay c duterte sa sinapit mo, eh ikaw lng nmn ang may concern nyan para ilabas ang yabang mo? Hay nko. Kong maging preaidente c duterte tyak lahat kasalanan nya ang daranasin nnyong kapalpakan…

    • Alexa, ang ibig sabihin ni Mr. Casino ay ibat ibang tao ay may ibat ibang ugali. May ibat ibang katangian at ibat ibang kapintasan. Ang makikitang katangian ni Teddy ay ang mahinahon sa gitna nang kaguluhan at ang kapintasan ay hindi gumagamit nang marahas na pananalita upang makamtan ang tama. Ang katangian naman ni Duterte ay mabilis na tamang aksiyon sa gitna nang kaguluhan ngunit hindi mahinahon sa pananalita.. But Duterte has promise to tame his tongue from good advisers.

      Mr. Casino was only WISHFUL THINKING lamang . Please take note WISHFUL THINKING lamang si Mr. Casino as he was stranded in Aklan airport. Na sana siya ay si Duterte and that means Teddy has also an admiration to Mayor Duterte

      When someone make a wishful thinking to be like that person HE admires the person’s good or the bad side or both sides of the character.. Ang tao ay may ibat ibang ugali na kinaiingitan o kinamumunghian. Ito po ang intindi ko lang sa pahayag ni Mr. Casino regarding his wishful thinking.

    • Teddy Casino meant na dapat ang mga Pilipino ay maging mahinahon kahit ginagawa ka nang gago nang mga Corporates, pinagdudusa sa mga mga aberya ng mga elitista. HUwag ka na daw mag reklamo kainin mo nalang ang binibigay nila sa iyo.

      And he calls himself a leftist?

      Putang ina mo Teddy Casino para na ring sinasabi mo sa mga Pilipino na huwag umalma sa kabagalan ng development sa labas ng Maynila kaya kayo lahat jan nagsisiksikan!

      Sige huwag na tayong mag reklamo. Boto nalang daw natin yung mga kandidato na walang maayos na hangarin sa ating Bansa!

      BASTA AO AY SUUSUOPRTA SA KAHIT SINO MANG KANDIDATO NA MAGSUSULONG NANG FEDERALISMO SA PILIPINAS!!!!

      DUTERTE TAYO!!

  2. Eh putang ina ka pala eh…bakit ka congressman kung di mo rin kaya ipagtanggol sarili mo…bayan mo pa kaya..ano ginagawa mo sa sweldo mo at pork barrel?..ipinakita mo lang na wala kang bayag para ipagtanggol karapatan mo at 300 passenger na dapat represent mo dahil sabi mo congressman ka. Put Tang in a mall!!!! Put mr tang in a shopping mall..gago ka casino

  3. Teddy Casino! Kung ikaw naman si Binay ano sasabihin mo?
    Malamang ito sasabihin mo: Diyos ko, alam na ng lahat na nagnanakaw ako,bigyan nyo po ako ng magandang idahilan.
    eh kung c Mar?: O panginoon ko, alam ko na alam mo na may kinalaman ako sa Yolanda Funds, pero hindi naman kasalanan naming Gobyerno yung tanim bala, panginoon ikaw na bahala sa lahat ng mga biktima ha.salamat panginoon.
    Shout out! Lahat ng mga naging biktima sa Rape, Murder, holdup, Carnap, SAF 44, Yolanda, tanim bala at kung anong krimen pa.
    pasensya napo Hindi kasalanan ng Gobyerno yan.
    ” I-pray Over nyo lang yan “

  4. yun mga kapalpakan ng Airlines Domestic flights dapat sumunod sila alintundunin ng Air flight agreement na kapag delay ang flight o may abiriya. Sagot nila ang hotel accomodation and food. Bakit hindi na iimplement yan…gaya ng Cebu Pacific and other airlines…Dapat ma-obliga sila o kaya may sanction na ipatitigil or suspension for 1 month walang byahe….dapat ganun..until ma-comply nila ang tamang services….putang -inang yan sila….

  5. well, congrats to you Sir for being that PATIENT. You’re ONE IN A MILLION! BUT I guess, siguro mas maganda kung pinicturan mo ung lubak sa airport at dun ifinocus ung article mo, kasi sabi mo nga buti na lang may bahay kayo sa Kalibo, eh ung ibang wala? hindi sila magiging ganun ka PATIENT LIKE YOU. for sure nagmumura na un. Pero kung sa lubak kayo nagsintimiento, like anu ba ang ginagawa ng Officials ng Kalibo airport eh ganito rin pala nangyari kahapon, or dapat hindi nagtanggap ng biyahe ang airport na ito dahil maraming tao ang maapektuhan. pero dahil Article niu to, i admire u. Buti po at hindi kayo si Duterte, Kasi KUNG AKO SI DUTERTE, i will call the attention of the Airport Officials or the Government Officials of Aklan for this matter. baka binuhusan na nila ang lubak na with an adhesive na magpapadali sa pagtuyo ng concrete mixture at pwde ng madaanan in just 8 hours :) #JustSayin’ :)

  6. Ung Ma EEPAL mo lang ung Pangalan Ni DUTERTE….So isa namang Pasikat??? Hahaha…okay lang po magalit sa mga Ganyang Sitwasyon wag po Mag BaitBaitan…

  7. Kung ikaw c duterte ai mlamang nabingi cla sa mura dahil c duterte may TAPANG AT MALASAKIT! ikaw walang pkialaman khit naubos mga pera nla at walang makain at nagtiis matulog sa upuan…wala kang pakialam…kc nga hindi ka c duterte! Wala kang malasakit at lalong wlang tapang ipaglaban mga naagrabyado! leche pinagmalaki mo pa.

  8. palpak ka talaga casino! Alam namin ugali ni mayor duterte! Sayang left ka pa naman pero trapo ka rin pala! Mahal ng mga left c mayor di lamang sa Davao. Hindi takot ang mga tao ng Davao kay mayor, bagkus siyay mahal mahal ng mga ito. by jun ng anakpawis

  9. Pasikatin natin to. hahaha Bayaran ng mga Dilaw.
    Pangalanan natin syang, Boy Damay.
    Idadamay nya ang lahat dahil walang nakakapansin ng mga
    kamalasan nya sa buhay.

    BOY DAMAY.

  10. Eh gago ka pala eh. Hipokrito ka. Deep inside gusto mong magmura pero di mo magawa dahil wala kang bayag di tulad ni Duterte na ilalabas ang galit at kung ano ang tunay na nasa loob.

  11. I think Duterte will say the same thing, “Mabuti nalang hindi ako si Teddy Casino na may maisulat lang kahit paninirang-puri lang ang laman.” In fairness to Duterte, how did you know that it will be exactly his words all the time? Pero mabuti nalang nga at hindi ka katulad ni Duterte, kasi malayong-malayo ang agwat ninyo in terms of accomplishments. I’m sorry, I don’t buy your speculations. I think those words are hidden in your hearts and you just found a place to vent them out and find someone to blame.

  12. You know what Mr. TEDDY CASIÑO? I don’t know what are you trying to imply here. What if you are not Duterte? You’d been on the street before you were a congressman, leading rallies against the government of different presidents, then you became a congressman. ANO NAMAN NAGAWA MO SA CONGRESS? MERON BA? ANONG MGA BATAS AFTER YOUR TERM BUMALIK KA NA NAMAN SA KALSADA, PARA ANO? Ang grupo nyo BAYAN MUNA, Sige puna sa khit cnong president at sa gobyerno, PERO CGE KUHA SA CDF (countrywide development funds) wala nmng nkitang infrastructure project, millions din yun ah.

  13. SI TEDDY CASINO MUKHANG KAY DUTERTE YAN.. NIREVERSE LANG NYA UNG STATEMENT NYA.. KUNWARI MABAIT CYA AT MAHINAHON.. . PERO ANG KAILANGAN NATIN AY SI DUTERTE.. ASUS CASINO MAGPAHAYAG KANA…. DAPAT SI DUTERTE NA ANG MAGING PRESIDENTE AS SIMPLE AS THAT!!!!!

  14. If Casino has the guts to cuss, he should cuss. But he didn’t so he was trying to channel the Duterte in him. If I was in that fucking shituation, I’d go beast mode without wishful thinking like trying to emulate tough talking as Duterte. Come on, you have a voice, let it be heard.

  15. Intindihin nalang natin si Teddy kasi alam natin sa politika ganyan lang talaga ang mga gimik nila para mapanisn ng taong bayan at ng maka kuha ng simpatiya at boto di ba? So guys take it easy basta tayong lahat sa Visayas at Mindanao kai DIGON tayo.

  16. My simple advised to teddybear casino. Do not used the name of DUTERTE in vain. 101% mura at supalpal ang aabutin MO s nitizen comments. Bitbitin MO ANG bayag MO wag yung tapang at estilo ni mayor. Refine pala bunganga MO… E di tumigil kna s dating estilo MO… Ang magrally para maka PWesto…. Letche .. Style MO bulok. Go DUTERTE -cayetano para s totoong pagbabago

Leave a Reply