Open letter to Senator Trillanes

50
13785
Photo from Antonio Trillanes Facebook
Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+7Email this to someone

May 2, 2016

MR. ANTONIO F. TRILLANES, IV
Senator
Senate of the Philippines
Manila

Dear Mr. Trillanes,

Sana po umabot sa inyo itong liham kong ito para naman malaman nyo ang niloloob ng isang mamamayang Pilipino tungkol sa ginawa ninyong may ukol sa sinasabi ninyong tinatagong kayamanan ni Mayor Rodrigo Duterte.

Bilang isang Bisaya, hindi po ako sanay sa Tagalog pero Tatagalugin ko po, sa hangganan ng aking makakaya, ang liham na ito para maintindihan ng nakararami.

Sa umpisa pa lang gusto kong ilahad na ang liham na ito ay personal kong opinyon at walang kinalaman sa kung ano mang katungkulan na hinahawakan ko sa anumang organisasyong kabilang ako.

Ako po ay taga Davao City at sumusuporta po ako sa kandidatura ng aming Mayor na si Rodrigo Duterte.

Ako po ay isang abogado at bilang abogado, naiintindihan ko na ang bawat mamamayan ay may kalayaan na maglahad ng kanyang niloloob or nais sabihin sa ilalim ng ating Konstitusyon liban lamang kung ang sasabihin ay makakasama sa dangal o pangalan ng isang tao ng walang matatag na basehan.

Ito po ay totoo lalo na kapag isang may katungkulan sa pamahalaan ang nakakatanggap ng pintas mula sa isang mamamayan. Ayon nga ng ating Korte Suprema, hindi maaring balat sibuyas ang mga may katungkulan dahil kaakibat ng kung ano mang kapanyarihan na hawak nila ang pagtanggap ng pintas tungkol sa pamamaraan ng kanilang pagganap sa kanilang tungkulin.

Dahil po rito ay di ako gaanong nagbibigay ng pahayag tungkol sa mga tapunan ng batikos ng mga politiko lalo na at eleksyon nga ngayon. Paminsan-minsan dinaraan ko sa pangutyang kalokohan ang niloloob ko pero hindi ko masyadong sineseryoso.

Subalit, nung nabasa ko po kaninang umaga ang pinirmahan ninyong Affidavit or Sinumpaang Salaysay, ako po ay tunay na NADISMAYA at medyo NAGALIT. Hindi po ako nagalit dahil si Mayor Duterte ang pinaparatangan ninyo. Di lang po siya magaling na mayor, siya rin po ay magaling na abogado at marami rin siyang mga kasamang magagaling na abogado na kayang-kaya saguting ang mga paratang ninyo. Sinabi ko na nga, bilang isang may katungkulan, kaakibat ito ng kanyang buhay lalo na at tumatakbo sya bilang Presidente ng Pilipinas.

Ako po ay NADISMAYA AT NAGALIT dahil po sa aking pagbasa ng inyong pinagmamalaking Affidavit, ay nalaman ko na WALANG KALAMAN LAMAN NA BASEHAN ang inyong mga sinasabi.

UNA, sabi po ninyo sa inyong affidavit na ang mga dokumentong ipinapakita ninyo ay nanggaling as isang NAGPAKILALA NG SARILI NYA SA INYO BILANG JOSEPH DE MESA. “NAGPAKILALA”. Ibig po sabihin nito na HINDI NINYO SYA KILALA at wala kayong alam sa pagkatao niya. Sa pagkakaintindi ko nung Abril 21, 2016 lang ninyo sya UNANG nakausap. Mukha namang napakabilis ninyo pinaniwalaan ang isang tao na noon nyo lang nakita lalo na at napakabigat ng kanyang mga paratang. Kung totoong tao talaga ito si JOSEPH DE MESA, hindi kaya mainam na kinunan nyo muna siya ng Sinumpaang Salaysay at kinilala nyo muna an kanyang pagkatao, at siniyasat ng mabuti ang kanyang mga sinasabi, bago nyo isinambulat ang sinasabi nyong mga paratang nya laban kay Mayor Duterte?

PANGALAWA, sinabi nyo rin sa inyong Affidavit na AYON KAY JOSEPH DE MESA, ang mga dokumentong ibinigay niya sa inyo ay HINDI GALING SA KANYA, kun hindi nagmula pa sa isang HINDI PINAPANGALANAN at sinasabing malapit na kamag-anak niya na, ayon sa kanya, ay kawani ng isang ahensya, ahensya ng pamahalaan sa pagkakaintindi ko, na nag-iimbistiga ng mga tinatagong kayamanan mula sa pandarambong ng mga may katungkulan sa pamahalaan. Paratang ba ito sa Office of the Ombudsman o sa Anti-Money Laundering Council (AMLAC), na sa kanila nagmula ang mga dokumento umano tungkol sa mga bank account ng mga Duterte?

Samakatuwid, PINANIWALAAN NINYO AT ISINAMBULAT SA PUBLIKO ang mga paratang ni JOSEPH DE MESA na HINDI NAGMULA SA SARILI NYANG KAALAMAN kung hinde GALING LAMANG RIN sa IPINASA UMANONG IMPORMASYON SA KANYA na NAGMULA sa isang HINDI PINAPANGLANANG KAMAG-ANAK na nagtatrabaho sa isang HINDI PINAPANGALANANG AHENSYA? Hindi naman kayo nagduda man lang kung totoo ba ang mga paratang at dokumentong ipinsasa sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA na inaamin naman ninyong IPINASA LANG RIN sa kanya?

Sa salitang kalye po ay CHISMIS ang ibinigay sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA. Madali po kayong maniwala sa CHISMIS? Hindi lang po yan, ang CHISMIS po ni JOSEPH DE MESA ay nanggaling rin sa CHISMIS na nagmula sa DI PINAPANGALANANG kamag-anak niya na mula sa DI PINAPANGALANANG ahenysa UMANO.

Hindi ko po alam sa inyo pero sa amin po ang tawag sa taong madaling maniwala at nagkakalat ng CHISMIS ay CHISMOSO.

PANGATLO, sinabi rin po ninyo sa inyong Affidavit na inyong SINURI NG MABUTI, “VETTED” po ang INGLES na ginamit ninyo, ang mga dokumentong ibinigay umano sa inyo nitong si JOSEPH DE MESA. Sa aking kokonting nalalaman sa Ingles ay ang ibig po sabihin ng salitang “VETTED”, lalo na sa mga tulad ninyong nagmula sa militar, ay MASUSING PAGSUSURI. Ibig po sabihin nito ay sinasabi ninyo na tiningnan nyo umano sa masusing paraan at imbestigasyon kung TOTOO BA ang mga dokumentong ibinigay sa inyo at kung totoo ba ang mga nakalahad rito. PAPAANO po ninyo ginawa ang MASUSING PAGSUSURI e sa sinasabi ninyo nung ABRIL 21, 2016 lang kayo nagkita at sa pagkakaalam ko iilang araw lang mula noon ay ISINAMBULAT NA NINYO SA PUBLIKO ang mga paratang ninyo kay Mayor Duterte?

ISA PA PO, sa pagkakaalam ko rin ay ITINANGGI NA ng BANK OF THE PHILIPPINE ISLANDS at ng AMLAC na sa kanila nagmula ang mga dokumentong hawak ninyo. PAPAANO PO kayo gumawa ng MASUSING PAGSUSURI kung wala naman kayong maikukumpara sa mga dokumentong ipinasa sa inyo ni JOSEPH DE MESA na, UULITIN KO, nagmula sa HINDI PINAPANGALANANG kamag-anak na kawani sa isang HINDI PINAPANGALANANG ahensya?

Ang sinabi nyo po sa inyong Affidavit ay SINURI NINYO at ng mga ACCOUNTANT NINYO ang mga dokumento sa pamamagitan ng pagkumpara sa nakalahad rito sa mga SALN ng mga Duterte. Ang ibig sabihin nito ay PINANIWALAAAN NA NINYO ang mga dokumentong ibinigay sa inyo ng hindi ninyo kakilalang si JOSEPH DE MESA na, UULITIN KO PONG MULI, nagmula sa HINDI PINAPANGALANANG kamag-anak na kawani sa isang HINDI PINAPANGALANANG ahensya?

Hindi ko po matanggap na may mga ACCOUNTANT na pinayagan ang ganitong pamamaraan. Nakalimutan ko pong sabihin na hindi lang po ako abogado isa rin po akong Certified Public Accountant. Kaya alam ko po na NAPAKAIMPORTANTE sa isang accountant na sa kanyang mga pagsusuri ay sigurado sya sa katotohonan ng mga dokumento at impormasyon na sinusuri nya.

KAYA PO AKO NADISMAYA AT NAGALIT nung mabasa ko ang Affidavit ninyo. Lumalabas po ang katotohanang NILOLOKO NINYO ANG SAMBAYANANG PILIPINO!

Baka naman sabihin ninyo na dahil eleksyon ngayon ay normal ang NAGLOLOKOHAN. Totoo po ito, kaya nga po sinabi ko na di ako gaanong nagbibigay ng opinyon ukol sa batikosan sa pulitika normal nga ito.

Ang HINDI PO NORMAL at HINDI KO PO MATANGGAP ay ang pangyayari na isang NATURINGANG SENADOR NG REPUBLIKA NG PILIPINAS ay nagawang LOKOHIN ANG SAMBAYANAN.

SENADOR PO KAYO, napakataas po ng katungkulan ninyo sa pamahalaan at dahil nga po mataas ang katungkulan ninyo ay binibigyan po ng bigat ng mga mamamayan ang mga sinasabi ninyo. Bakit naman ninyo nagawang MAGSAMBULAT NG MGA PARATANG na wala naman talaga kayong TOTOONG BASEHAN?.

Di lang po kayo SENADOR, nanggaling po kayo sa Philippine Military Academy. Nasaan na po ang Courage na maging makatotoo, ang Integrity sa inyong katungkulan, ang Loyalty sa mamamayang Pilipino? NASAAN NA PO?

Huwag na po natin pag-usapan ang pagiging illegal ng pinangalingan ng mga dokumento na ginagamit ninyo, dun na lang po tayo sa inyong katungkulan bilang Senador at graduate ng PMA.

SANA PO AY BINIGYAN NYO NG KAHIHIYAN ANG katungkulan ninyo bilang Senador at pagiging alumnus ng PMA.

Sa pagtatapos po ng liham ko na ito gusto ko pong sabihin sa inyo na hindi pa po huli ang lahat puwede pa po kayo HUMINGI NG TAWAD. Hindi po patawad ni Mayor Duterte kung hinde patawad ng SAMBAYANANG PILIPINO.

Dito na lang po,

CAESAR S. EUROPA
Pilipino, Davaoeno, Abogado
IN THAT ORDER PO

Share on Facebook0Tweet about this on TwitterShare on Google+7Email this to someone

50 COMMENTS

    • Matod pa sa usa ka makialamon, “Ang walay pakisusi, walay katungod nga mosulti”. I salute you attorney. Si Trillanes ay talagang may puso para sa sambayanang Pilipino, subalit ito’y pusong balahibuhin. Mag-ingat sa lobo na nagkukunwaring tupa

  1. Magandang umaga po sa lahat ng mga makakabasa nito,

    Nais ko lang po sariwain na nangyari na po ang ganitong istilo sa paghahanap ng mga katibayan at impormasyon sa nakaraang paglilitis sa namayapang dating Supreme Court Justice Corona, sa pamumuno ni Cong T, at sa pananaw ko pa ay hindi ito makatarungan. Kahit po ipinagdidiinan ni Cong T na ginagawa nila ang lahat ng ito in Good Faith para sa kapakanan ng Sambayanang Pilipino. At ang natatandaan ko po ay buong kababaang loob na inako Hon Sen President Enrile kung meron man silang pagkakamali. Iniwan daw po sa harapan ng Gate ng isang kaanib nilang Congressman ang envelop na naglalaman ng katotohanan tungkol sa CJ. Bilang isang ordinaryong mamamayan sa pananaw ko po ay mali na kagatin ang ganitong paraan dahil hindi natin alam ang motibo ng mga taong gumagawa nito at hindi dapat ang mga namumuno nagpapadala sa sumbong nang kung sino sinong tao na ayaw ilabas sa publiko ang kanilang pagkatao. Kung nagagawa po yan sa matataas na tao ng lipunan ay huwag na po tayong magtaka kung ang mga mahihirap ang mas lalong nalalaspatangan. Minsan po meron mga nagtatanong sakin, ang Senado po ba ay lugar para sa mga aligasyon at pagkatapos ay hahayaan na lamang mawala sa usapan kapag hindi nila makuha ang gusto nilang sagot sa mga naimbitahang ordinaryong mamamayan. Sana po Senator ginawa nyo ang tamang proseso hanggang mapatunayan nyong totoo ang mga impormasyon na ibinigay sa nyo. Kahit pangulo ng si Mayor Duterte naniniwala ako na hindi bulag ang batas para habulin sya. Maraming problema ang ating bansa, at parang pong ang oras nyo ay hindi doon nakatuon kundi sa iilang tao na sa kasalukuyang panahon ay tumatakbo ngayong eleksyon. Huwag na po sanang tuluran ang pagkuha ng mga ebedensya sa nakaraang paglilitis sa dating CJ dahil hindi po ito nagbibigay ng kapanatagan sa Sambayanang PilipinIno, alalahanin po natin na ang salapi na ginagastos ninyo sa inyong bawat galaw bilang Senador ay buwis ng mamamayan.

    Ito po ay pahayag ng isang ordinaryong mamamayan na maraming na beses ng nagtatanong, bakit ganito ang mukha ng Pilipinas sa tuwing dadating ang Halalan. Alam po natin ang mga bata ay syang lubos na apektado sa tuwing mapag uusapan ang halalan, dahil ang tingin nila sa ganitong panahon ay laganap ang kaguluhan. Hindi lang kaguluhan dahil sa barilan at patayan kundi kaguluhan ng kalooban sa dami ng paninira na naririnig nila sa bawat katunggali.

    Alalahanin po natin ang mga murang edad ang lubos na apektado dahil ang tumatanim sa isip nila ay hindi ang kabutihang naidudulot ng halalan kundi siraan ng pagkataon at karahasan.

    Humihingi po ako ng paumanhin kung ako ay nakisali sa ganitong usapan pero sa palagay ko po ay wala naman akong masamang hangarin gusto ko lamang po magbahagi ng nararamdan sa mga nangyayari sa ating kapaligiran. Mapayapang Halalan sa darating na May 9, 2016. God Bless Us All!

    Maraming Salamat Po!

  2. ginoong Abogado Europa, ako po ay isang mahirap na tao lng at mababa ang aking pinag-aralan sa aming mababang paaralan. Paratang man pong maituturing pero dapat patunayan kung may tagong yaman c du30 nyo, kung ang isang tao a walang tinatago kasinungalingan ndi kailangang matakot ilabas ang katotohanan, sabi nga katotohaan ang magpapalaya sa bayan! Hinamon nga ni Trillanes na kung mapapatunayan na mali xa, magbibitiw bilang senador at iuurong ang pagtakbo bilang pangalawang pangulo di po ba Atty. Europa, ndi pa po ba sapat sa inyo ang kapalit na nasambit, bakit kailangan pa kailangan kumuha pa ng abogado ung isang abogado pra may magdesisyon pra sa sarili nya, yung pangulo nyo na sobrang talinong abogado at hindi pabago bago ng isip na parang sira ulo at magtatannggal ng ties between US & Australlia at pati Papa ay minumura at mahilig magjoke ng ndi nakakatawa, parang scapegoat pag ndi maintindihan question, kayo po ay isang matalinong abogado at cpa, pero alam nyo na c du30 ang nagrequest kay trillanes na magsign ng affidavit pra magsend xa ng waiver to allow his abogado na mag open ng accounts whatsoever…pero nabakla yata ung pangulo nyo diba?! o nagbago na nman ng isip…bilib nman ako kay du30 sa lakas ng loob nya don ako hanga sa kanya…sana pagbuo loob buo din ang ulo…mukha po ytang buo lng ang loob…

    cguro nman nanood din kyo ng 3 president debate, nung pahiya xa na may naitulong ang philhealth sa davao ang sagot nya…eh bakit daw mababa xa sa survey…sabi ni onyok AYUS!

  3. kung walang tinatago, walang dapat ikatakot ginoong abogado at cpa na europa, ako po ay isang naniniwala na katotohanan magpapalaya sa bayan, c du30 po ang nangako na magsesend xa ng waiver pra mabuksan ang accounts nya, kung tlgang sinsero po xa mr. cpa na abogado..xa ang haharap pra matapos ang isyu, c du30 na abogado ay kumuha pa ng abogado on his behalf para lumusot, alangan nman pumirma ng waiver ung isa na wala xang makukuhang proof of evidence dahil ayaw ibigay ng banko ung request dahil ndi nk define ung tlgang request…ndi nman tanga ung sundalo pra pirmahan ung affidavit pra makulong xa…sobrang talino po ni du30 na kagaya nyo mr. abogadong europa…kayo din po ba sang ayon sa pagtanggal ng ties sa us at australlia, at sobrang talino nya minura pa nya ung papa na buong bansa ginagalang xa! bilib ako kay du30 buo ang loob, pero paganon dapat buo din ang ulo…it seems buo lng ang loob nya..peace! ulitin nyo ulet ung 3 presidential debates pra mlman mo kung ano pinagsasabi nya, salita lng salita joke na walang kwenta, iwas sa isyu pag my proof na datos, ndi ako mk roxas kay miriam ako…pero jan tayo babagsak, kc madaming magwewelga lalo dahil sa pangulo mong sobrang talino, ayus lng ung matapang basta ndi cra ulo, ang kilang sa inyo ung adviser…wag na pagsalitaain c du30 ng at the end babawiin at mag aapology! goodluck pinas!

  4. bias, if there is document in wich you believe can help to discover wrong doing of a government official why not? in thhe case of duterte, it confirms that duterte has a bank account in the particular bpi br., is it invalid? may i remind our good lawyer to consider the law in probability…. let us be loyal to our mother land and not to the currupt official…. in order to cleanse this nation….

  5. Well… I am a bicolano and Trillanes as far as I know is also a bicolano. But I consider him as a disgrace of bicolanos for what he is doing. M7ch better for him to withdraw his candidacy becausr bicolanos will not vote for him.

  6. I can easily understand Sen Trillanes! Politics is politics !

    He knows what he is doing! His consultant or advisers are lawyers too … and he knows the consequences of his deeds …

    What I don’t like in politics is a hit below the belt like tale bearings, rush judgement , calumny & detraction…

    As Atty Caesar Europa said , “God bless us all” … and hoping peace for this coming election up to the final result … May the right man (not the best) win ! :)

  7. Ang sabi ni Senator Trillianes may acct sya sa BPI, tama naman siya at wala siya niloko. Sabi ni Digong fabricated daw iyon, galing mismo sa bibig nya tapos totoo pala, galing din sa bibig nya. Sino sa tingin mo ang nanlinlang ng mga tao?

  8. Salamat Atty Cesar at sana yong mga undicided na mga kababayan natin maliwanagan at iboto si Mayor Duterte sa Mayo 9, 2016. ZERO VOTE to MAR at POE, at sana makulong yan si Trillanes

  9. Atty. Cesar Europa, ako ay umaasa na sana ay maging tunay na lalaki si Sen. Trillanes at tanggapin ang kanyang maling paratang kay Mayor Duterte bagaman at sa aking tantiya ay malabong mangyari dahil hindi ito ang unang pangyayari na ginawa niyang magsiwalat ng mga kasiraan “kuno” ng iba’t-ibang tao sa lipunan pero ni minsan hindi siya humingi ng kapatawaran dahil wala siyang sense of remorse kahit katiting man lamang. Ang akal niya ay siya na ang pinakamatapang at pinakamatalino sa lahat. Ganon pa man, sana ay manaig ang katarungan, mapaibabaw ang katotohanan, magkaroon ng tahimik at walang pandaraya na araw ng halalan sa Mao 9. Mabuhay at patnubayan nawa ng Panginoon ang mga taga-Davao at ang masang Fipilino.

  10. tama ka atty. ang masakit pati print media through pdi and phil. star in their editorial today talagang pinamukha na tama c trillanes eh at mali c mayor for “legal stonewalling” daw tsk,tsk tsk.

  11. Dirty tactics talaga sa politics,but i’m very much disappointed with this trillanes
    ,nagpagamit sya sa mga taong makasarili at ganid.Sayang lang ang boto ko sa kanya noon,Kaya ngayon,as long as i am qualified to vote as filipino.Wala na akong ibobotong trillanes, Youre a disgrace sa mga men in uniform…Shame on you Trillanes.

  12. Lawyer talk is the beef of this letter. Trillanes affidavit is not necessary for exposing corruption of public figures. Trillanes did only to accept the challenge of DUTERTE provided he gives a waiver of his bank account for scrutiny.

    DUTERTE is not a man of honor. He did not fulfill his part of the contract.

    DUTERTE HIMSELF CONFIRMED THE BANK ACCOUNT EXISTS, THERE IS MONEY IN THE LESS THAN 211 Million pesos. Truth is admitted, the bone of contention are the details of transactions needing explanation that DUTERTE has moral obligation to reveal to the people.

    Right thing to do for DUTERTE as owner of the account is to exonerate himself from allegations since in this case all he has to perform is get a copy of his bank account history mostly free of fees for selected customers.

    DUTERTE persistently refused to do although a while ago on national tv he accepted the challenge of Binay to sign any form of bank waiver.

    DUTERTE is not a man of his word, UNTRUSTWORTHY, LIAR, DISHONEST AND COWARD!

    BURDEN OF PROOF TO DISCREDIT TRILLANES LIES ON DUTERTE !

    DUTERTE OWES THE PEOPLE TO TELL THE TRUTH!

  13. Salamat po Atty Europa sa lakas ng loob at mahusay na pagpapahayag ng katotohanan sa mga paglabag sa batas ng ating senador. Mabuhay ang mga Abogadong may paninindigan!

  14. Very well said atty! Sana makarating ito ky ginoong trilliones! Mabuhay po kau! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!!! #solidDU30

  15. Very well said Atty! Pls allow me to share. Mabuhay po kayo! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!!! #solidDU30

  16. Hindi po na hinihintay lang ni Atty Panelo na pumirma lang siya sa affidavit na bitbit niya at kakasuhin sya ?

  17. Saludo po ako sa inyo Atty. “Jec” Cesar Europa. Sya nga pala, huwag nyo na po itanong kung nasaan na ang Integrity, Courage at Loyalty ni Mr. Trillanes, dati pa po TRAYDOR na ang PI na yan at handang magtago sa malamig na hotel room sa Makati! Whoah!

  18. Sinabi ni Trillianes na verified niya ang mga ito, at kaya siya hindi naglabas agad ng anumang pahayag tungkol sa “mas malaki pang halaga kaysa sa P211M” (na sa kabuuan ay lumalabas ayon sa mga balita na P2.4 B ay dahil sa gusto muna niyang ma-verify.

  19. Mabuhay po kayo Atty. Ceasar Europa sa napakagandang paliwanag ng mga pangyayari. Isang halimbawa ng Katungkulang mataas sa Gobyerno na paulit ulit na niyuyurakan ng isang taong wala ni anumang pag mamahal sa sariling bayan Iyan ang Pag katao mo Senator (ka pa naman) Trillanes

  20. tigilan mo na ang iyong ginagawa trillanes huwag mo nang gagohin ang mga filipino na matagal nang akala ng administrasyong ito na mga uto uto lang na kahit anong gawin nila sunod lang nang sunod dahil hawak sa leeg ang lahat youre one in a million filipino lawyer with a braveheart para sa nxt generation

  21. Well explained Atty.Thank you… I hope Sen. Trillanes will understand already the repercussion of what he did.

  22. Ayan! nagwawaldas ng pera ng bayan ang senator na yan, walalng ginagawa kungdi mangalkal at magtsismis. Iyan ang expertise mo! Bago kang hero: Pambansang Tsismoso!

  23. Ano ba Ang tinatakbuhang position nitong si Trillanes? Pagka Presidente? Hinde naman yata Di ba? Bakit ganon na lng ang gigil niya ky Mayor?
    Senator Trillanes ibinoto kita dati pero mukhang nagkamali ako… Tama na Ang mga paninira Kay mayor Duterte… Huli na Ang lahat ng mga gimmicks ng mga kalaban… He is way up in Cloud 9 namamayagpag Sa supurta ng nakakararaming mga Pilipino at USA na ako doon… Di mo na mababago ang isip ko kasi Ibinoto ko na siya at hinde Ikaw ang vice— isa akong OFW kaya tapos na Ang laban para Sa akin…
    Salamat Atty Sa paglilinaw tungkol Sa issue. Saludo ako Sa inyo at Sa lahat ng may malasakit Kay Mayor at Sa bansang Pilipinas…
    Bibo Quemado
    Filipino
    New York City

  24. Maganda at maayos ang bawat talata . Sana maintindihan ito ni ginoong trillanes na wala ng ginawa kundi mangulo sana maging aral to na hiag ng ibalil sa pwesto si trillanes bagkus ibalik sa kulungan.

  25. Ang gusto ko lang pong makaman, tutoo po ba na may bank account si Mayor duterte na una na nyang itinanggi ? Wala po akong alam sa legalidad. Katotohan lang ang gusto ko. Not are legal are the truth and sometimes not all truth are legal

  26. Maari nga pong hindi sumunod sa teknikalidad o sustansya ng batas ang sinumpaang salaysay ni Senador Trilanes at maari nga pong mayroon siyang pananagutan dito, subalit hindi rin naman po maitatangi na dapat tayong mag-suri dahil sa mga pagtanggi ni Mayor Duterte ukol sa kanyang bank account at pag-amin sa bandang huli kasama ang pag-amin na tumanggap at ginastos nya ang pera na diumano ay regalo sa kanya na idiniposito sa bank account nya. Mayroon din pong panuntunan sa pagtanggap ng regalo ang isäng opisyal ng gobyerno, ito ay nasasaad sa R.A. No. 6713, marapat din sigurong alamin kung hindi sumobra sa itinakda ng batas ang pera na diumano ay regalo kay Mayor Duterte na ginamit niyang pang-happy-happy. Kung nagkamali man si Senador Trillanes, sa aking maliit na pananaw, hindi naman po dapat na awtomatikong malibre sa pag-susuri ng batas si Mayor Duterte, dahlian sa pag-amin nya na tumanggap siya ng regalo at ginastos niya ito, siya ay may moral na obligasyon na ipaalam sa tao kung magkano ang regalo na kanyang tinanggap at ginastos. Ang aking pong kuro-kuro ay nakasandig sa mga titik ng batas na nagsasabing Public Office is a Public Trust, karugtong nito ang prinsipyo na public officers and employees must at all times be accountable to the people, serve them with utmost responsibility, integrity, loyalty and efficiency, act with patriotism and justice, and lead modest lives. Dahilan po sa mga nabanggit na prinsipyo na nakasaad sa saligang batas at sa ngalan ng katotohanan ay dapat din mailman ng mamayang Piiipno kung walang nilabag na batas ang regalong tinaggap ni Mayor Duterte.

  27. Salamat po sa liham na ito upang maliwanagan at lubos na maintindihan ng mamamayang Pilipino ang mga kabalbalang nangyayari sa panahon ng eleksyon. Panahon na ng TUNAY NA PAGBABAGO! Mabuhay ang Pilipino! 👊👊👊

  28. Nagmamadali kasi si Trillanes na isiwalat para masira si Mayor Duterte sa panahon ng kampanya kaya di na nya sinuri pang mabuti..Yan ang mahirap pag masyado naghahangad ng posisyon para sa sariling interes kahit walang matibay at konkretong ebidensya ay go lang..Kaya sana naman po isipin nyo muna at pag aralang mabuti para naman po di kahiya hiya ang inyong kalagayan na isang Senador ng ating bansa at bilang isang sundalo. Huwag nyo rin pong tawaran ang mga pagiisip ng mga Pilipino kasi karamihan po ngayon ay sawa na po sa lumang sistema ng gobyerno. Kaya bago po kayo paniwalaan ng nakararami ay pinagaaralang munang mabuti kung sino ba sa inyong dalawa ni Mayor Duterte ang may nagawa na para sa ikabubuti ng kapwa (“credible ika nga”)at yan po ang pinagbabasehan ng mga botante ngayon. At wala po akong kaduda duda si Mayor Duterte po yon.

  29. Ang haba nang discussion nitong dalawa! Did you not read that he, Duterte, admited the charges re his bank accounts!!

  30. Mabuhay po kayo Sir Europa,,im praying na sanay mabasa ni Trillianes ang letter nyo sa kanya,,,kc both of us have desame opinion,,

  31. Sadly most of the dutertards are deaf/blind of any PROOF presented to them. Even if the words are fresh from the horse’s mouth. duDIRTY is obviously a PATHOLOGICAL LIAR, unstable and brash. mag sinungaling-babawiin-papalusot na gamit ang comedia. DUTERTARDS loves comedy, and hope for a magician that they will wipe their problems away within 3-6 mos. Good luck to the Philippines. welcome to the land of duterards.

Leave a Reply